ay, snowing, ever! at 2:30pm nag-snow fall ba, eh sabi sa forecast light rain and chances of snow lang??? tapos ngayon, puro ice pellets ang nakikita ko dito sa bintana ko.. buti na rin, at least me pag-kakaabalahan ako habang nag-aantay ng alas-4 at uuwi na ako. Kaka-praning na ang boredom dito. Eto ang disadvantage ng pumapasok ng maaga, dahil walang istorbo natatapos ko agad ang work ko so pagtapos ng lunch break, maswerte ng me tumawag o mag-email pa sa akin. alam nyo ba ang feeling kapag nasa mataas na floor ka ng building tapos ang lakas ng ulan feeling mo di ka na makakauwi dahil traffic sa Edsa? ganun din feeling ko ngayon, parang magma-malfunction na naman ang TTC buses at subways mamaya pag-uwi ko dahil slippery ang daan. Mas masaya sana kung kasama ko ang mga pinsan ko sa oras na ito, siguradong nag-pi-picture taking na kami habang hinahalibas ng snow. sana umulan na lang ng pera, Canadian dollar pa, para masaya!
Di bale, mag-i-snow ulit bukas hanggang Saturday, so ibig sabihin pwede pa akong magpa-picture taking sa weekend... me mai-po-post ako ditoh.....
<< Home